50 katao namamatay kada araw sa lung cancer dahil sa paninigarilyo
Dalawa sa bawat filipino kada oras o limampu katao ang namamatay kada araw dahil sa lung cancer dulot ng paninigarilyo.
Sa pagdinig ng senate committee on ways and means sa panukalang itaas ang sin tax sa mga tobacco products, ibinunyag ng mga medical experts na nito lamang 2018, nakapagtala na ng labimpitong libong bagong kaso ng lung cancer sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Jose Garcia Jr.,Preident PH Society of Medical Oncology na ito ay nakakaalarma ang nasabing bilang ng kaso ng lung cancer.
“its very alarming to know there are 17k new cases of lung cancer in 2018 that means there are 1, 400 cases a month of 50 ung cases per day or 2 filipinos per hour”
Ang masama hindi lang lung cancer ang nagiging epekto ng paninigarilyo at mga taong nakakalanghap ng usok nito.
Lumillitaw sa pag-aaral ng Department of Science and Technology at mga medical experts na ang mga pasyente na namamatay o nako confine dulot ng chronic lower respiratory diseases, pneumonia, at tv ay bunga rin ng paglanghap ng usok mula sa sigarilyo.
Kung walang gagawing hakbang ang gobyerno posibleng umabot na sa labimpitong milyon katao ang maninigarilyo pagdating ng 2p29.
Ang mahirap ayon sa DOH, karamihan sa mga ito mga bata at mahihirap at walang pampagamot oras kapitan ng mga nakamamatay na sakit
Sa datos ng Department of Health nitong 2018, umabot sa 9300 ang namatay dahil sa cancer dulot ng sigarilyo, 25 thousand sa chronic diseases at 25 libo katao sa pneumonia
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ito ang dahilan kaya sinusuportahan nila ang panukalang itaas pa ang buwis sa sigarilyo.
“Results of a simulation exercise developed by the DOH and DOF and the WHO or World Health Organization estimates that the DOH and DOF of proposed rate will avert 713,000 deaths and will result in 3.2 million quitters in adults and this rate will also bring down smoking prevalence to 16.8 percent and help reach our non-communicable disease target”
Nanindigan ang DOH na hindi naman sayang ang nakokolektang buwis sa sigarilyo
Katunayan mula nang ipatupad ang sin tax law noong 2013 umaabot na sa 9.1 milyong mahihirap na pamilya ang nabigyan ng health insurance ng gobyerno, 6.9 na mga senior citizens at 2,4 na mga indigent patients
Nakapagdeploy na rin ng mahigit tatlumpung libong mga nurses sa mga baranggay health centers at mga health facilities ng gobyerno.
“Saving more than half a million Filipinos from dying due to smoking related complication s and reducing alcohol consumption prevalence by 10 percentage points these consistent with the president’s stance on smoking and the health objectives of the Duterte administration”
Mas pabor naman ang DOF sa isinusulong na bersyon ng senado na itaas sa 60 hanggang 90 pesos ang kada pakete ng siragilyo kumpara sa inaprubahang bersyon ng kamara
Sa pagtaya ng DOF, aabot sa 62.3 billion pesos ang makokolekta ng gobyerno sa unang taon ng implementasyon sakaling maipasa ito ng kongreso sapat para tustusan ang health insurance ng mga filipino.
Ulat ni Meanne Corvera