50 milyong halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng Customs sa CDO
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang planong pagpupuslit sana ng mga sigarilyo sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa BOC, nakalagay ang mga smuggled cigarettes sa dalawang container van na dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Pebrero 14.
Tinatayang nagkakahalaga ng 50 milyong piso ang mga nasabat na sigarilyo.
Nakadeklara bilang furnitures ang kargamento at naka-consign sa LMRC 418 Direct Import Export Corporation.
Naisyuhan na ng Warrant of Seizure and Detention ang kargamento para sa destruction schedule.
Please follow and like us: