50 percent ng mga pinoy wala pa ring access sa health care facility
Fifty percent pa rin ng mga Filipino ang walang access sa Primary health care facility.
Ito ang inamin ng Department of Health sa pagdinig ng Senado kung saan tinalakay ang mga panukalang paspasan at pondohan ang pagpapatayo ng mga ospital at mga rural health centers.
Sa pagdinig sinabi ni USEC Lilibeth David ng DOH, aabot pa lang sa 2,593 ang government primary care facilities habang 1500 ang mga pribadong ospital.
Malaking kakulangan ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Bicol at mimaropa o Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Ang bed capacity naman ng mga ospital ay katumbas ng apat na bed sa bawat isang libong populasyon Katulad lang aniya ito ng mga health care facilities sa mga low income countries tulad ng Africa.
Ayon kay Senator Pia Cayetano, chairman ng komite napapanahon nang ipasa ang mga nakapending na panukala para mapataas ang kapasidad ng mga ospital lalo na ngayong may nararanasang pandemya.
Marahil ito aniya ang dahilan kaya marami ang hindi agad nabigyan ng lunas matapos tamaan ng COVID- 19.
Meanne Corvera