500 Filmmakers, nabakunahan kontra Covid-19 sa QC
Umabot sa 500 filmmakers o mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ang nabakunahan kontra Covid-19 sa pamamagitan ng Bakuna Nights ng Lungsod Quezon sa QC Hall grounds.
Ang mga ito ay kabilang sa A4 Priority group o mga essential worker.
Ang mass vaccination ay bilang tugon sa kahilingan ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga manggagawang ito ay mga residente ng lungsod at mga taga ibang lugar na nagtatrabaho sa Quezon City.
Ang industriya ng pelikula ang isa sa matinding naapektuhan ng pandemya dahil sa naging limitadong galaw at paggawa ng mga pelikula.
Para naman pampasigla sa mga binabakunahan, hinarana ng singer na si Aiza Seguerra ang mga essential worker at mga frontliner.
Ang Bakuna Nights ng lungsod ay inilaan para sa mga empleyadong hindi makapagliban sa kanilang mga trabaho sa umaga partikular ang mga No Work, No Pay Personnel.
Belle Surara