500 kilo ng shabu nasabat sa Port of Manila

Nasabat ng mga tauhan  ng Bureau of Customs (BOC) ang halos 500 kilo ng hinihinalang shabu sa Port of Manila matapos makatanggap ng tip mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PDEA, ang kontrabando ay nagkakalahaga ng halos 3.4 bilyong piso.

Dumating ang shipment noong June 28 , lulaln ng isang container van na galing sa Malaysia.

Naka-consign ito sa Vecaba Trading International na walang accreditation mula sa BOC at isang Vedasto Cabral Araquel ng Sampaloc, Manila ang consignee.

Sinabi naman ni Customs commissioner Isidro Lapeña na sadyang hindi dadaan ang shipment sa clearing process dahil hindi accredited ang consignee kaya malamang na ipapalusot lamang ang kontrabando.

Batay sa mga dokumento, ang shipment ay idineklarang mga door frames para sa construction pero walang kumuha sa kontrabando sa loob ng 30 araw.

Idineklara itong abandoned at nang binuksan ay nadiskubre na naglalaman ng magnetic lifters kung saan nakalagay ang shabu.

Ayon sa PDEA, pwedeng ginawa lamang na trans-shipment point ang Malaysia pero ibang bansa ang orihinal na source.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *