500 pasyente mula sa Pilipinas lalahok sa Solidarity trial para makahanap ng gamot kontra Covid 19
Aabot sa 500 pasyente mula sa Pilipinas ang sasali sa solidarity trial sa layuning makahanap ng gamot laban sa Coronavirus disease 2019.
Ang solidarity trial ay isang International clinical trial na pangungunahan ng World Health Organization kasama ang iba’t ibang bansa upang makahanap ng gamot laban sa covid 19.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, clinical trial na ito ay gagawin sa 20 ospital sa bansa na lalahok sa solidarity trial.
Kung makukumpleto aniya ang mga kinakailangang dokumento ay maaari ng masimulan ang nasabing clinical trial bukas.
Habang wala pa aniya ang mga gamot mula sa WHO ay gagamitin na muna ng DOH ang stock na mayroon sa Pilipinas at papalitan nalang pagdating ng gamot galing sa WHO.
Nilinaw rin ni Vergeire na dahil adaptive protocol ang kanilang paiiralin ay maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga pasyente at maging ang panahon ng pagsasagawa ng trial.
Ulat ni Madz MOratillo