5,000 trabaho alok sa Job at Business fair sa EDSA People Power anniversary
Limang libong trabaho ang iaalok sa Job at Business fair na ikinasa ng Department of Labor and Employment o DOLE sa anibersaryo ng EDSA People Power revolution sa Linggo, Pebrero 25.
Isasagawa ang trabaho, negosyo, kabuhayan at TNK fair sa QC hall na lalahukan ng 15 Employers at Recruitment agencies.
Kasabay ng Job fair, ipapamahagi rin ng kagawaran ang mga i-DOLE OFW cards.
Sa inisyal na ulat ng DOLE-NCR, mayroong mahigit 400 lokal na bakanteng posisyon para sa Sales associate, Management trainee, Cashier/Counter checker, Accounting assistant, Graphic artist, Account sales executive, Helper, IT programmer, Sales administrative assistant, Buyer, Carpenter, Installer, Mechanical engineer, Merchandising assistant, Painter at Plumber.
Bukod dito, sinabi ng POEA na may 5,000 Job Orders na iaalok ng 10 Recruitment Firms para sa mga bansang Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan, at Malaysia.
Ilan sa mga bakanteng posisyon ay para sa waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, pipefitter/plumber, carpenter, driver, factory worker, sales staff, programmer, air traffic controller, barista, laborer at cook.
Ulat ni Moira Encina