50,000 Vaccinators kakailanganin para sa Vaccination program ng Gobyerno
Aabot sa 50,000 vaccinator ang kakailanganin para sa COVID 19 vaccination program ng gobyerno.
Sa ngayon ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, may 4 na libong trainors na silang naisalang sa pagsasanay.
Ang mga ito naman aniya ang bababa sa mga rehiyon at mga munisipalidad para sa i-train ang mga vaccinator roon.
Ayon kay Vergeire, kabilang sa kanilang ginagawang training ay mula sa preparasyon ng bakuna, pagbabakuna hanggang sa pagmonitor sa nabakunahan.
Nilinaw naman ng opisyal na ang vaccinator ay isang team na binubuo ng 6 na indibidwal.
Bawat isa may kanya kanyang trabaho, mula registration, counseling, pagbakuna, monitoring at iba pa.
Sa pagtaya ng DOH, sa bawat isang vaccinator team ay kayang makapagbakuna ng 200 indibidwal kada araw.
Madz Moratillo