502,000 doses ng Astrazeneca, dumating na sa bansa
Dumating sa bansa kaninang alas-9:00 ng umaga ang kabuuang 502,000 doses ng Astrazeneca vaccine.
Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 lulan ng China Airlines Flight CI 701.
Ang mga bakunang ito ay binili ng pribadong sektor sa ilalim ng Dose of Hope program.
Sinabi ng National Task Force against Covid-19 na nasa higit 134 million doses pa ng Astrazeneca vaccine ang inaasahang darating sa susunod na anim na buwan.
Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na 21.3 milyong Filipino ang nabakunahan ng unang dose habang pumalo na sa 15.8 million ang fully vaccinated na.