51% ng target na 131,000 kilometrong farm-to-market roads, nakumpleto: PBBM
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nakumpleto na ang 51 porsiyento ng mahigit sa 131,000 kilometro ng kalsada na target ng gobyernong itayo bilang bahagi ng Farm-to-Market Road Network Program.
Ayon sa Pangulo, nangangahulugan ito na 67,328.92 kilometro na ang naitayo mula sa target na 131,410.66 kilometro sa loob ng anim na taon.
Aniya, katumbas ito ng 32 ulit na road trips mula Aparri hanggang Jolo.
Sabi ng Pangulo, “It is not an initiative only to do with agriculture, it is a connection between all the different communities. But of course its main purpose is to connect the markets and the producers— sa ating mga agricultural sectors lalo.”
Noong Setyembre 2023, nang ang Pangulo pa ang kalihim ng Department of Agriculture, ipinag-utos niya na unahin ang farm-to-market road projects.
Aniya, kritikal ang mga ito upang matiyak na magiging maginhawa ang transportasyon ng mga produkto at serbisyo, para na rin sa benepisyo ng mga magsasaka.