55-meter tunnel, nadiskubre ng IDF sa ilalim ng Shifa Hospital sa Gaza
Inilabas ng Israel Defense Force (IDF) ang footages ng sinasabing 55-metrong haba ng fortified tunnel na nasa ilalim ng Shifa Hospital complex sa Gaza.
Ayon sa IDF, nadiskubre nila ang tunnel shaft sa ospital sa ilalim ng shed katabi ang sasakyan na naglalaman ng iba’t ibang mga armas gaya ng mga pampasabog, rifles at rocket-propelled grenades.
Makikita rin sa videos na kuha ng IDF assets ang entrance sa tunnel na mayroong blast-proof door at firing hole.
Isinapubliko rin ng Israel military ang aerial shots ng Shifa Hospital complex kung saan sinasabing natagpuan ang terrorist infrastructure ng Hamas.
Ito ay gaya ng mga pampasabog sa physical therapy ward, interrogation room sa cardiology ward, at weapons and intelligence sa MRI center.
Ipinakita rin ng Israel military ang video ng sinasabing Nepalese at Thai hostages na dinukot sa Israel at dinala ng Hamas sa Shifa Hospital noong October 7.
Ang isa sa mga ito ay sugatan na nasa hospital bed at ang isa ay naglalakad.
Idinetalye rin ng IDF ang pagkamatay ng 19-year old Israeli soldier na si Noa Marciano na dinukot at pinaslang umano ng Hamas malapit sa Shifa Hospital.
“”We did not reach Noa in time this only make the IDF more determined to do anything everything in our power to bring all our hostages home” ani Israel Army Spokesperson Read Admiral Daniel Hagari.
Sinabi ng IDF na ang mga ito ay patunay na ginagamit bilang cover ng Hamas sa kanilang terror activities ang ospital at ang mga residente ng Gaza bilang human shield.
Moira Encina