55% ng mga opisyal at kawani ng DOJ, fully-vaccinated na laban sa COVID-19
Mahigit sa kalahati ng mga opisyal at kawani ng DOJ main office sa Padre Faura, Maynila ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Sa tala ng DOJ noong August 4, mula sa 804 na empleyado at opisyal ng DOJ ay kabuuang 445 na ang fully-vaccinated o 55%.
Nakatanggap naman ng unang dose ng anti-COVID vaccines ang 184 na DOJ personnel o katumbas ng 23%.
Sa kabuuan ay 629 o 78% ng mga tauhan ng DOJ ang naturukan na laban sa COVID.
Samantala, wala na ring naitalang aktibong kaso ng virus sa DOJ.
Ngayong taon ay nakapagtala ang DOJ ng 80 kumpirmadong kaso ng sakit kung saan 78 ang gumaling habang dalawa ang pumanaw.
Noong 2020 ay 18 ang nahawahan ng virus sa hanay ng DOJ kaya aabot sa 98 ang kabuuang nagpositibo sa COVID sa kagawaran.
Moira Encina