5,500 Sari-sari store owners sa Taguig City, binigyan ng dagdag puhunan
Para matulungan ang nasa 5,500 small store owner sa Taguig, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang “Tapat Sari-Sari Store Program” para maragdagan pa ang kanilang mga paninda.
Tumanggap ang mga ito ng cash aid para lumaki pa ang kanilang kinikita bilang small businesses na ngayon ay patuloy na nakararanas ng krisis sa ekonomiya dulot ng pandemya.
Ayon kay Taguig Representative Lani Cayetano, ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga registered sari-sari store owner sa lungsod na mabigyan ng pandagdag puhunan bilang suporta sa kanila kaugnay ng pagdiriwang ng ika-434 Founding Anniversary ng Lungsod ng Taguig.
Dagdag pa ng Kongresista, ang dagdag P3,500 na puhunan para sa mga paninda ay malaking tulong sa mga maliliit na negosyante at iba pang maliliit na namumuhunan sa lungsod.
Archie Amado