570 boxes na mga smuggled cigarrette, na may 11 milyong pisong market value, sinira ng Custom Zamboanga
Hindi na pinatagal pa ng Bureau of Custom – Zamboanga ang nakumpiska nitong smuggled cigarrette matapos mabawi mula sa di na pinangalanang bodega sa coastal area ng Barangay Arena Blanco Sabado ng gabi.
Pinangunahan ni Zamboanga Custom Collector Jun Barte ang pagsira kanina sa mga smuggled na sigarilyo sa compound nito na nasa port area ng Zamboanga city.
Sa inisyal na ulat mula sa Marine Battalion Landing Team-11 , habang nagsagawa ng foot patrol ang militar sa coastal area ng Arena Blanco, isang jungkong pumpboat ang pumasok sa lugar na may kargang pitumpung kahon na may lamang sigarilyo.
Kaya lang wala itong mga papeles dahilan para itawag ng tropa sa mga tauhan ng Custom para ma-verify ang legalidad nito.
Bukod sa pagkakaharang sa kontranbandong ito, itinuro pa ng pumpboat operator ang bodega kung saan ibinabagsak nila ang mga smuggled na sigarilyo mula sa karatig bansa ng Malaysia, kung kaya nabawi ng Custom ang nasa 570 boxes na puno ng mga sigarilyo.
Bukod sa walang papeles ang mga sigarilyong ito na pumasok sa lungsod mula sa ibang bansa, walang kasiguruhan kung ligtas pa ba ito sa kalusugan ng mga kababayan nating nahumaling pa sa paninigarilyo, dahil hindi pa ito nasuri ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Kalusugan sa bansa.
Kaya pinapag-iingat ng pamahalaang lokal ang mga taga zamboanga sa pagbili ng sigarilyo sa merkado lalo na kung ito ay hindi pasado sa pagsusuri ng DOH.
Ulat ni Ely Dumaboc