57th Fish Conservation Week ipinagdiriwang ng DA-BFAR, Fishery Sector
“Karagatan ay Pangalagaan upang Ani at Kita ay Makamtan maging sa Gitna ng Pandemyang Hamon sa Bayan,” ito ang tema ng paggunita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng Department of Agriculture o DA sa pagsapit ng ika limampu at pitong fish conservation week sa buwang ito
Ang selebrasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng virtual setting bilang pagsunod sa ang health at safety protocols
Sa mensahe ni Agriculture Secretary William Dar sinabi nito na ang nagpapatuloy ang fishery sector na maging positibo sa kanilang hangarin na masustain ang food security kasabay ng nararanasang pandemya sa bansa
Samantala, Alinsunod sa pagdiriwang ng 57th Fish Conservation week, magsasagawa ng mga online na pagsasanay ang bfar sa mimaropa upang mapalago at hikayatin ang pagpapanatili ng aquaculture sa bansa.
Ang mga pagsasanay ay magbibigay sa mga kalahok ng dagdag kamalayan at kaalaman sa teknikal na aspeto ng mga kultura ng iba’t-ibang species at tamang pangangasiwa nito.
Ang mga online trainings ay may tatlong bahagi ito ay ang “Tilapia Culture and Management”; “Shrimp Culture and Management”; at “Milkfish Culture and Management”.
Belle Surara