DFA di pa matiyak kung may Pinoy na nadamay sa London attack

 

Mahigpit na minomonitor ng Department of Foreign Affairs o DFA ang sitwasyon ng Filipino community sa London matapos ang magkakasunod na pag-atake sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA spokesperson Robespierre Bolivar, inaalam pa nila kung may nadamay na Pilipino sa pag-atake.

 

Anim ang kumpirmadong patay at 30 ang sugatan sa nangyaring terror attacks sa Central London kung saan inararo ng isang van ang ilang mga sibilyan sa may London bridge.
May insidente rin ng pananaksak sa may Borough Market.

Inilagay na sa lockdwon ang London Bridge at maging ang bahagi ng Borough market ganundin ang tatlong pangunahing ospital sa London para sa kaligtasan ng mga sugatang biktima.

Ang nasabing insidente ay pangatlong pag-atake na naranasan ng United Kingdom kasunod din ng Manchester attack na ikinamatay ng 22 katao sa konsyerto ni American singer Ariana Grande dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas at ilang araw bago ang June 8 election.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *