EDSA may libreng WIFI na
May libreng WiFi na sa kahabaan ng EDSA.
Ito’y matapos ilunsad ngayong araw ng Globe Telecom at PLDT Inc. ang nasabing proyekto.
Sa kanilang magkahiwalay na anunsyo, sinabi ng Smart Communications/ PLDT at ng Globe na magagamit ang kanilang WiFi service sa buong 24-kilometro ng EDSA na bumabagtas sa Caloocan, Quezon City, San Juan, Pasay, Mandaluyong at Makati.
Ayon sa Smart at Globe, magagamit ang kanilang free WiFi sa loob ng unang 30 minuto, at pagkatapos nito ay aabisuhan na ang subscribers na babayaran na nila ang susunod nilang data usage.
Inilunsad ang proyektong ito katuwang ang Department of Information and Communications Technology, kasunod na rin ng panawagan ni Pangulong Duterte sa pagkakaroon ng mas maayos na internet quality.