5K kaso ng Leptospirosis naitala ng DOH
Pumalo sa 5,178 ang naitalang kaso ng Leptospirosis sa bansa mula Enero hanggang nitong Oktubre 14 lamang.
Sa monitoring ng Department Of Health mas mataas ito ng 74 percent kung ikukumpara sa 2,981 lamang na naitalang kaso sa parehong panahon noong 2022.
Tumaas din ang bilang ng nasawi na umabot sa 568 ngayong taon kumpara sa 398 noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga rehiyon na nakapagtala ng may pinakamataas na kaso sa nakalipas na 7 buwan ay sa National Capital Region na may 1,322 cases, Region 6 na may 646 cases,
Region 2 na may 463 cases, CALABARZON na may 430 cases at Region 11 na may 310 cases.
Sa NCR din may pinakamaraming nasawi na umabot sa 149, sinundan ng Region 6 kung saan 53 ang nasawi habang tig 52 naman sa Region 11 at CALABARZON.
Paalala ng DOH kung matagal na-expose sa baha pumunta agad sa Health Center para mabigyan ng Doxycycline pangontra sa Leptospirosis.
Madelyn Villar-Moratillo