6.1 magnitude Undersea earthquake, naramdaman sa Timugang bahagi ng New Zealand

Niyanig ng 6.1 magnitude undersea earthquake ang remote Southern Ocean South ng New Zealand kaninang bago mag-alas-onse ng umaga.

Sa tala ng US Geological survey, ang lindol ay may lalim na 10 kilometers at ang sentro ay naitala sa 211 kilometers o 140 miles ng Kanlurang bahagi ng Sub-Antarctic Auckland island.

Wala namang naitalang napinsala o namatay sa pagyanig at wala ring ipinalabas na tsunami warning kasunod ng lindol.
END

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *