6.3 magnitude na lindol, naitala sa Calatagan, Batangas; Malakas na lindol, naramdaman sa Metro Manila at ilang mga kalapit na lalawigan
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Calatagan, Batangas.
Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila, at ilang mga lapait lalawigan.
Ayon sa Philvocs Director Renato Solidum, naitala ang episentro ng lindol sa10 kilometers Northwest ng Calatagan Batangas, alas 7:43 ng umaga.
Nasa 74 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.
Ayon kay Solidum, ang pagyanig ay sanhi ng paggalaw ng Manila trench.
Wala naman inaasahang tsunami dahil sa lindol at inaalam pa kung may mga pinsala.
Please follow and like us: