6 Barangay sa Bayugan city, Agusan del Sur, isinailalim sa granular lockdown simula ngayong Sept. 12
Simula ngayong araw, September 12, 2021 ang implementasyon ng granular lockdown sa anim na Barangay sa Bayugan city, Agusan del Sur.
Ito ay kasunod ng paglobo ng kaso ng Covid-19.
Batay sa Executive Order No. 17 na ipinalabas ni Mayor Kirk Asis, kabilang sa mga lugar na ito ay ang buong Barangay Maygatasan, 4 na sub-communities ng Poblacion, isang sub-community ng Barangay Taglatawan, Salvacion, Cagbas, at Calaitan.
Ipinag-utos din ang mahigpit na mandatory community quarantine sa mga nasabing lugar.
Batay sa direktiba ng City Inter-Agency Task Force (CIATF), walang sinuman ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan at lahat ng residente at isasailalim sa quarantine protocol at testing procedures.
Tatauhan din ng pulisya at CIATF members ang entry at exit points ng mga nasabing lugar
Batay sa September 10 record ng Bayugan city, nakapagtala ang DOH-13 ng bagong 68 kaso ng virus infection sa lungsod.
Karamihan sa mga bagong kaso ay nagmula sa 6 na Barangay.
As of Sept. 9, pumapalo sa 1,084 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa lungsod na may 296 active cases, 754 recoveries at 34 deaths.