6 days old na sanggol pinakabatang tinamaan ng COVID-19 sa Nueva Ecija
Labing-isang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa San Jose City, Nueva Ecija, kung saan kabilang dito ang isang babaeng sanggol na 6 days old pa lamang.
Nakuha ng bata ang virus mula sa kaniyang ina na nag-positibo sa antigen swab test bago pa ito manganak.
Ayon sa tala ng San Jose City Health Office, bukod sa naitalang 11 bagong kaso, ay may 95 pang aktibong kaso, 337 naman ang gumaling, habang 47 ang namatay.
Sa kabuuan ay may 477 kaso ng COVID-19 sa lugar.
Kaya patuloy ang pakiusap ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan, na sundin ang mga health protocol at huwag matakot na magpabakuna para sa kaligtasan ng bawat isa.
Ulat ni Brenda Sevilla