6 na kaso ng South African variant natukoy sa bansa
Mayroon naring South African variant ng COVID- 19 ang nakapasok sa bansa.
Ayon sa Department of Health, 6 na South African variant ang kanilang natukoy sa bansa.
Sa bilang na ito, 3 ay local cases, 2 man ang returning Overseas Filipinos at 1 naman ang patuloy paring bineberipika.
Ang 3 local cases na ito ay mga residente ng Pasay City.
Ang dalawa rito, na isang 61 anyos na babae at 39 anyos na lalaki ay aktibong kaso pa habang ang ikatlo naman na isang 40 anyos na lalaki ay nakarekober na.
Ang samples nila ay nakolekta sa pagitan ng Enero 27 at Pebrero 13, 2021.
Ang 2 namang south African variant case ay mga returning OFWs mula sa United Arab Emirates at Qatar. K
augnay nito, nilinaw naman ng DOH na bagamat kalat na sa 48 bansa ang nasabing variant ay wala pa namang ebidensya na nakapagpapalala ito ng COVID 19.
Sa ngayon ang nakikita pa lamang umano ng mga eksperto ay nagpapataas ng transmission ng virus ang Variant na ito at maaaring magkaroon ng impact sa efficacy ng bakuna.
Madz Moratillo