68 patay higit 50 ang nawawala sa landslide sa Davao de Oro
Umakyat pa sa Animnaput walo ( 68 ) ang bilang ng mga namatay sa landslide sa Maco, Davao de Oro.
Malaking bilang ng mga namatay ay mula sa dalawang bus na natabunan nang gumuhong lupa.
Sa pagpapatuloy ng Search, Rescue at Retrieval operations sinabi naman ni Dr. Charino Labrador ng National Bureau of Investigation-South Eastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO), na hirap silang kilalanin ang mga biktima.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 32 individuals ang sugatan at 51 ang pinaghahanap pa.
Nilimitahan na para sa mga rescuer lamang ang pagpasok sa ground zero para sa safety precautions.
Sinabi naman ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB), na mamadaliin nila ang assessment ng mga relocation site area upang matulungan ang mga biktima ng landslide.