60 4Ps youth leaders at beneficiaries, sumailalim sa training ng US Peace Corps at DSWD
Natapos na ang tatlong linggong pagsasanay na isinagawa ng US Peace Corps at DSWD para sa 60 youth leaders at beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa US Embassy, sumailalim ang kabataan sa Training of Trainers for Regional Youth Development Sessions.
Tinuruan ang mga youth leaders at beneficiaries kung paano mahimok ang kapwa nila out-of-school youth sa pamamagitan ng life skills at leadership sessions na bumalik sa eskuwelahan.
Tinatayang 1,000 kabataan sa Nueva Ecija ang makikinabang sa nasabing peer-training model.
Ang sessions ay core part ng 4Ps conditional cash transfer program at kadalasang pinangangasiwaan ng DSWD personnel.
Pero sa pagkakataong ito ay sinubukan ang bagong peer-to-peer approach ng US Peace Corps at DSWD na layunin mas epektibong maabot at mahikayat ang out-of-school youth at mapabalik sila sa paaralan.
Ang Regional Youth Development Training of Trainers ay pilot initiative U.S. Peace Corps at DSWD Field Office 3 bilang supplement sa umiiral na 4Ps support sa mga kabataan na hindi pumapasok sa eskuwelahan.
Kasama na nagpondo sa programa ang United States Agency for International Development (USAID).
Moira Encina