60 empleyado ng MMDA positive sa COVID-19
Animnapung empleyado ng Metro Manila Development Authority ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay MMDA general manager Romando Artes, isandaang empleyado ang isinailalim sa swab test matapos makitaan ng mga sintomas ng virus kung saan 60 sa mga ito ang nagpositibo.
Kasama sa mga nagpositive ang ilang mga traffic enforcers na exposed sa mas maraming tao.
Naka isolate na ang mga nagpositive habang nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga empleyado.
Dahil dito 50 percent muna ang magiging workforce sa mga tanggapan at tiniyak naman na hindi apektado ang kanilang operasyon.
Meanne Corvera