P60-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC sa MICP
Aabot sa 60 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon sa BOC, ang mga nasabat na sigarilyo ay dadalhin sana sa Philippine Economic Zone Authority zone sa Cavite.
Ang shipment ay mula sa China at naka consign sa YJC International Corporation.
Idineklara ito bilang plastic frames, round tubes, plastic bags at plastic sheets.
Pero matapos isalang sa Physical examination, nadiskubre ang 1,599 pakete ng sigarilyo.
Naglabas na rin ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at iba pang guidelines at regulasyon na itinakda ng National Tobacco Administration at Bureau of Internal Revenue.
Madz Moratillo