60 patay matapos pasabugin ang isang eskuwelahan sa eastern Ukraine
Sinabi ni Ukrainian president Volodymyr Zelensky, na animnapung sibilyan ang nasawi sa pambobomba sa isang paaralan sa Lugansk region sa eastern Ukraine nitong weekend.
Sa kaniyang address sa G7 summit sa pamamagitan ng video conference sinabi ni Zelensky . . . “Just yesterday in the village of Bilogorivka, Lugansk region, a Russian bomb killed 60 people. Civilians. They were hiding from shelling in the building of a regular school, which was attacked by a Russian air strike.”
Ayon naman kay Lugansk governor Sergiy Gaiday, 60 katao ang namatay sa ilalim ng guho matapos ang isang “aerial bomb” sa isang village school noong Sabado.
Aniya . . . “There are very serious shellings in Bilogorivka. The fighting has been going on since morning. I would really like to believe that people are still alive there, and as soon as the shelling ends, we will be able to start clearing the rubble.”
Una nang sinabi ni Gaiday, na 90 katao ang nasa lugar nang mangyari ang pambobomba, at 27 ang nailigtas.
Hindi naman makapagtrabaho ng overnight ang rescuers dahil sa banta ng panibagong strikes, nguni’t ipinagpatuloy ito kahapon, Linggo.
Ayon pa kay Gaiday, naghahanap din ang rescuers ng survivors sa mga katabing village ng Shepilivka matapos tamaan ng isang bomba ang isang bahay, kung saan may 11 kataong nanganganlong sa basement nito.