6,000 hanggang 10,000 empleyado posibleng mawalan ng trabaho kapag natagalan pa ang re-opening ng RWM
Mamadaliin ng Philippine Gaming Corporation ang pagresolba sa sinuspending lisensya ng Resorts World Manila.
Ito ay dahil sa laki ng halaga ng pera na hindi pumapasok sa bawat araw.
Sinabi ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na bukod sa nasabing halaga ay nangangamba rin na mawalan ng trabaho ang may 6,000 hanggang 10,000 mga empleyado ng nasabing hotel and casino.
Dagdag pa nito na mayroong ₱12 million hanggang ₱14 million kada araw ang hindi pumapasok na kita sa PAGCOR dahil sa pagtigil ng operasyon ng Resorts World Manila.
Please follow and like us: