60,000 empleyado regular na sa trabaho – DOLE
Matapos ipagbawal ang End-of-contract o (endo) noong Marso, umabot na sa 60,000 mga empleyado ang may mga bagong regular status sa kanilang mga pinagta-trabahuhan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang paglobo ng bilang ng mga regular na empleyado ay dahil sa pagtiyak nila na kailangang ihinto na ang pagpapatupad ng ilegal na kontrakwalisasyon.
Inaasahang lalaki ang bilang ng mga regular employees kapag naipatupad na ang Department Order No. 174 series of 2017.
Sa ilalim nito, mahigpit na ipagbabawal ang paulit-ulit na pagre-renew ng kontrata ng mga empleyado matapos ang mas mababa pa sa anim na buwang pagtatrabaho.