60,000 OFW, nabakunahan na kontra COVID-19
Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maraming Overseas Filipino Workers na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Bello, sa kanilang pagtaya nasa 50 hanggang 60,000 OFW na ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Bukod pa aniya ito sa mga OFW na nasa frontline gaya sa England at Germany na kasama sa prayoridad na makatanggap ng bakuna.
Kaya naman ayon sa kalihim maraming OFW na una ng humiling na maiuwi ng gobyerno pabalik sa bansa ang umatras na.
Ayon kay Bello dahil sa epekto ng COVID-19 Pandemic ay maraming OFW ang nawalan ng trabaho.
Sa kasagsagan ng Pandemya nasa 500,000 OFW aniya ang humiling ng repatriation sa pamahalaan.
Madz Moratillo