Pagbaha sa Metro Manila isinisi ng MMDA sa mga basura

 

download
courtesy of wikipedia.org

Binaha ang ilang klasada sa Makati, Manila, Mandaluyong, Parañaque, San Juan at Quezon City dahil sa pag-ulan.

Ayon sa Metro Manila Development Authority sinisisi nila ang 12 garbage truck dahil sa hindi nakukuha ang lahat ng basura kaya’t nagbubunga ito ng pagbaha.

Dagdag pa ng MMDA, dahilan din ito ng mga unfinished road projects katulad ng NLEX-SLEX-Skyway Connection at ang Malabon-Navotas R-10 Boundary na under repair.

Sinabi naman ni DPWH Secretary Mark Villar, ang ilang proyekto ng kagawaran ay para maiwasan ang pagbabaha.

Gaya ng water pumping station sa Roxas Boulevard at road widening na may drainage sa Mother Ignacia at Quezon Ave.

Paliwanag pa ni Villar, papabilisin na ng DPWH ang pag-rerepair sa proyekto nito sa Commonwealth Avenue.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *