Matapos ang pagdaraos ng 50th ASEAN anniversary at Foreign Ministers meeting pinaghahandaan na ng Pilipinas ang pagho-host ng bansa sa ASEAN leaders summit sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang katatapos na foreign ministers meeting ay paghahanda sa magiging agenda ng ASEAN leaders summit sa bansa.
Ayon kay Andanar malinaw ang mensahe ni Pangulong Duterte sa closing ceremony ng foreign ministers meeting na kailangang patatagin ang ASEAN sa lahat ng larangan lalo na sa ekonomiya, paglaban sa ilegal na droga, terorismo at transnational crimes.
Inihayag pa ni Andanar dahil sa malakas na liderato ni Pangulong Duterte naipakita ng Pilipinas sa mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya at sa buong mundo ang pagkakaroon ng matatag na pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang bansa tungo para harapin ang mga problemang kinakaharap sa larangan ng kapayapaan at climate change.
Ulat ni: Vic Somintac