633 bagong kaso ng Delta variant naitala sa bansa
May 633 bagong kaso ng Delta variant ng Covid-19 ang natukoy sa bansa.
Batay na rin ito sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center sa 748 samples na kanilang nakalap noong Oktubre 16.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, maliban rito may 6 na Beta variant at 3 Alpha variant rin ang natukoy.
Sa datos ng Department of Health, umabot na sa 4,431 ang kabuuang kaso ng Delta variant na naitala.
Ito na rin ang nangungunang variant ng Covid-19 dito sa bansa.
Pumangalawa naman ang Beta variant na mayroon ng 3,313 kaso na naita sa bansa at 2,938 naman ang Alpha variant.
Ayon kay Vergeire sa kabuuan, umabot na sa 15,168 samples ang na-sequence ng PGC kung saan 70.4% dito ay nakitaan ng Alpha, Beta at Delta variant.
Madz Moratillo