65 million OWWA fund ipinagagamit muna para sa repatriation ng mga Pinoy sa mga bansang apektado ng girian ng Amerika at Iran
Maaari nang gamitin ng gobyerno ang emergency repatriation fund ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) para mailikas ang mga mangagawang Pinoy sa Iraq, Iran at Lebanon.
Kasunod ito ng utos ng Pangulo na simulan na ang repatriation matapos ang pag-atake ng Iran sa Estados Unidos.
Sinabi ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor na nakapaloob sa inaprubahang 2020 General Appropriations Act ang 65 million na Emergency Repartriation fund.
Kasabay nito, umapila si Villanueva sa gobyerno na huwag nang magmatigas sa halip ay tumalima sa gobyerno.
Kaligtasan at seguridad aniya ang pinakamahalaga sa ngayon at para hindi na rin mag-alala ang kanilang pamilya.
Sa datos ng OWWA hanggang noong 2019, umaabot sa 2.17 million ang mga OFWs at migrants sa Middle East.
Ulat ni Meanne Corvera