65% ng mga taga Cavite ayaw magpabakuna ng Covid-19 Vaccine ayon kay Gov. Jonvic Remulla
Nasa mahigit animnapung porsiyento ng mga taga Cavite ang ayaw magpabakuna kontra covid 19.
Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, aabot sa 340,000 na mga senior citizen ang nakarehistro sa lalawigan at karamihan sa mga ito ay mga Senior Citizen na ayaw magpabakuna.
Nagpapaaalala din ang gobernador na ang mga senior citizen aniya ay nasa high risk ng virus.
Kahit na hindi aniya madalas lumabas ang mga ito sa kanilang tahanan subalit kung ang mga kasama naman sa bahay ang madalas na nasa labas ay malaki pa rin ang posibilidad na mahawa ng Covid 19.
Binanggit pa ng gobernador na ang pagpapabakuna ay hindi sapilitan, at hindi puwedeng ipilitñ sinoman sa taong may ayaw nito dahil ito ay boluntaryo sa taong gusto lamang makatanggap ng bakuna.
Patuloy namang hinihikayat ng gobernador ang kaniyang mga nasasakupan na huwag matakot na magpabakuna kontra covid 19 at huwag maniwala sa mga lumalabas na fake news sa social media ukol sa covid 19 vaccine.