65 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON
Nadagdagan ng 65 ang kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos mula sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 78,182 na ang kumpirmadong kaso ng nahawahan ng virus sa Region IV-A.
Gayunman, nasa 3,600 na lamang sa nasabing bilang ang active COVID cases.
Nakapagtala naman ng 54 na bagong recoveries habang walang naitalang bagong namatay dahil sa sakit.
Dahil dito, aabot na sa mahigit 72,200 ang gumaling mula sa COVID at nasa 2,200 naman ang pumanaw sa rehiyon.
Ang Cavite ang may pinakamaraming confirmed cases na mahigit 20,400 na sinundan ng Laguna na may 20,300 kaso, at pangatlo ang Rizal na nasa 17,300.
Moira Encina