66 na bagong piskal, itinalaga sa National Prosecution Service
Kabuuang 66 na bagong piskal ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibat-ibang tanggapan ng National Prosecution Service sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos matanggap ang appointment papers ng mga karagdagang piskal sa mga City Prosecutor at Provincial Prosecutor’s Office sa bansa.
Kabilang sa mga hinirang na prosecutors ay inilagay sa mga piskalya sa Maynila, Valeñzuela City, Bulacan, Sorsogon, Laguna, Biñan City, Bacoor City, Pasig City, Taguig City, Abra, Cagayan De Oro, Makati City, Pasay City, Batangas, at San Jose Del Monte City.
Ayon sa kalihim, inaasahan nilang madaragdagan pa ang bilang ng mga itatalaga at ipo-promote na piskal ng pangulo.
Alinsunod sa RA 10071 o batas na lumilikha ng National Prosecution Pervice ng DOJ dapat ay may dalawang prosecutor sa bawat RTC at isa sa kada Municipal trial court in cities o MTCC.
Ulat ni Moira Encina