67 passengers ligtas matapos ma half submerge ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Polillo
Ligtas na ang 67 sakay ng isang passenger boat matapos ma-half submerge sa karagatang sakop ng Polillo sa Quezon Province.
Ayon sa PCG, umalis kaninang 10am ang Motorbanca Jovelle Express 3 sa Patnanungan Port sa Real, Quezon kanina sakay ang 60 pasahero, 7 crew at may karga rin itong 15 styrobox ng iba’t ibang isda.
Maganda rin umano ang panahon ng umalis ito sa pantalan at may lifevest rin ang mga pasahero.
Pero habang nasa biyahe may tumama umanong matigas na bagay sa bangka na naging dahilan para lumubog ang malaking bahagi nito.
Bandang ala una ng hapon ng makatanggap ng mensahe ang coast guard mula sa isa sa pasahero ng bangka at agad naman silang nagpadala ng rescue.
Kahapon, nasagip rin ng mga tauhan ng PCG ang 41 pasahero at 9 na crew ng isang motorbanca na naka half submerge na sa karagatang sakop ng San Antonio, Northern Samar.
Ayon sa PCG, galing ang MBCA Spirit sa bayan ng Victoria sa nasabing probinsya at patungo sana sa San Vicente ng makasagupa sila ng malakas na alon.
Nasa maayos na kondisyon na ang mga pasahero na ibiniyahe rin patungong San Vicente habang may 4 na pasahero ang binigyan ng atensyong medikal at naideklara ring nasa mabuting kalagayan.
Nagtulungan naman ang 3 fishing banca para mai-tow ang MBCA Spirit sa baybayin ng San Antonio.
Madelyn Moratillo