68 candidates sa 2019 elections nanganganib madiskwalipika
68 Kandidato sa 2019 Midterm elections ang nanganganib i-diskwalipika ng Commission on Elections (Comelec).
Nanguna sa mga naghain ng petitisyon sa Comelec si dating Senador Mar Roxas upang i-disqualify si Katipunan ng Demokratikong Pilipino Senatorial bet Jesus Roxas.
Nahaharap naman sa dalawang disqualification cases si Senador Loren Legarda na tatakbo sa pagka-Kongresista ng lone district ng Antique, na inihain ni dating Antique Governor Exequiel Javier at isang Robin Rubinor.
Nag-file rin ng disqualification case si dating Vice-Mayor Isko Moreno na tatakbong alkalde ng Maynila laban sa isa pang mayoralty candidate na si Onofre Estrada Abad.
Samantala, iginiit ni Comelec commissioner Rowena Guanzon na hindi na sila tumatanggap ng Certificates of Nomination and Acceptance (CONA).
=================