680,000 pisong halaga ng shabu, natuklasan sa isang kargamento sa Butuan city
Nasa kabuuang 680,000 pisong halaga ng shabu ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency in Caraga (PDEA-13) sa isang parcel na naglalaman ng computer accessories.
Ayon sa PDEA-13 information office, iniinspeksyon ng K-9 unit ang parcel na dumating sa Barangay Imadejas nang makaamoy ng droga ang K9 detection dog.
Sinabi ni Dindo Abellanosa ng PDEA-13 na umupo ang aso sa harap ng pakete na indikasyon aniya ng presensiya ng iligal na droga sa loob nito.
Nang buksan ang pakete ay natuklasan ang 100 gramo ng shabu mula sa pakete na nakapangalan sa isang Loida Verallo na isa umanong government employee.
Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.