6,845 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Biyernes

Umabot na sa 55,069 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng 6,845 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 2,330 naitalang bagong gumaling.

Wala namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya nananatiling nasa 26,891 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Paglilinaw naman ng DOH, ang zero reported death ngayong araw ay dahil sa technical issues sa kanilang COVID Kaya system.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maayos ang problema.

Due to technical issues encountered in COVIDKaya and the manual solution implemented as a contingency measure, cases reported today may not have up-to-date data entries in certain fields (e.g. health status, residence, quarantine status). Note that the 0 deaths reported today is due to the current issues with COVIDKaya. This is currently being investigated with the Department of Information and Communications Technology and a resolution is expected in the next few days. Rest assured that the DOH is exerting all efforts to update the cases as soon as possible.” – Statement, DOH

Sa ngayon ay 1,537,097 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,455,137 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: