69% ng mga Pinoy naniniwalang seryoso ang problema sa fake news ayon sa isang survey
Nasa 69 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang seryoso ang problema sa fake news sa media.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS, tinanong ang mga respondent kung gaano kalala ang pagpapakalat ng fake news sa media kagaya ng telebisyon, radyo at diyaryo.
32 porsiyento ang sumagot na ito ay “very serious,” 38 porysento ang sumagot ng “somewhat serious,” 21 porsyento ang undecided, anim na posryento ang sumagot ng “somewhat not serious,” at tatlong porsyento ang sumagot ng “not serious at all.”
Sa tanong naman kung gaano kaseryoso ang fake news sa internet kagaya ng Facebook, Twitter, at Youtube, ay 32 porsyento ang sumagot ng “very serious,” 35 porsyento ang sumagot ng “somewhat serious,” 24 porsyento ang undecided, 5 porsyento ang sumagot ng “somewhat not serious,” at tatlong porysento ang sumagot ng “not serious at all.”
Batay sa December 2021 survey, 51% ang nagsabi na nahihirapan silang malaman kung fake news o mali ang mga impormasyong nakukuha mula sa telebisyon, radyo, o social media, samantalang 48% naman ang nagsabi na madali lamang malaman.
Ayon pa sa survey, 20% ang nagsabi na madalas silang nakakikita o nakababasa ng fake o maling impormasyon sa telebisyon, radyo o social media, 40% ang nagsabing paminsan-minsan, 35% ang nagsabing bihira at apat na porsyento ang hindi kailanman.