69 Year-old double amputee, naakyat  ang tuktok ng Mt. Everest

 

Matapos ang limang pagtatangka, narating din ng 69-year-old na si Xia Boyu  ang peak ng Mount Everest.

Ang unang attempt ni  Xia Boyu  ay ginawa noong  1975  bilang bahagi ng expedition na suportado ng  gobyerno ng China.

Pero hindi naging maganda ang karanasan ni Xia Boyu  dahil naging sanhi ito ng pagkakaputol ng kanyang dalawang paa  dahil sa matinding frostbite.

Pagkatapos naman ng dalawang dekada matapos na maputol  ang kanyang mga paa,  ipinagpatuloy ni Xia  ang training  upang ihanda ang kanyang katawan sa panibagong attempt  sa pag akyat sa Mt.  Everest.

2014, muli niyang sinubukan, pero napilitan siyang  bumalik dahil sa masamang  panahon.

Ganito rin ang nangyari noong 2015 at noong 2016 kung saan  100 metro na lamang mula sa peak, bumalik siya  at ang kanyang sherpas dahil naman sa blizzard.

At noong isang taon , matagumpay na narating ni xia boyu ang  tuktok ng  Mt. Everest, dahilan para  tanghalin siyang pangalawang double amputee na  umakyat sa pinakamataas na bundok sa  buong mundo, sumunod kay Mark Inglis ng New Zealand  noong 2006.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *