6,959 bagong kaso ng COVID-19, naitala kasabay ng 9,407 recoveries
Mas mataas ng mahigit dalawang libo ang naitalang bilang ng gumaling sa COVID-19 ngayong Sabado kaysa sa bilang ng mga bagong nag-positibo sa virus.
Sa ulat ng Department of Health, nakapagtala ng 6,959 na karagdagang kaso ng COVID-19 habang 9,407 naman ang gumaling, at 153 ang nadagdag sa bilang ng namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% lamang o 59,439 ang aktibong kaso, habang 93.9% o 1,270,243 na ang gumaling.
Ang porysento ng namamatay ay nasa 1.74% o may kabuuang bilang na 23,538.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.5% sa lahat ng samples na nai-test at 3.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.