7.5 milyong pisong pondo para sa accident insurance ng mga opisyal ng barangay sa Maynila, aprubado na
Inaprubahan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang paglalaan ng 7.5 milyong pisong pondo para sa accident insurance ng mga opisyal ng barangay sa Maynila.
Sa ilalim ng Letter of Confirmation na nilagdaan ng alkalde, nakasaad na sakop ng insurance coverage ang mga opisyal ng 45,700 Barangay sa lungsod.Kabilang na rito ang mga:
— Punong Barangay
— myembro ng Sangguniang Barangay
— Sangguniang Kabataan Chairperson
— Barangay Secretary
— Barangay Treasurer
— myembro ng Lupong Tagapamayapa
— myembro ng Barangay Tanod Brigade
Ayon kay Mayor Isko, matagal na nyang pangarap na mabigyan ng insurance ang mga ito na nagsisilbi rin bilang frontliners.
Sa ilalim ng GSIS proposal, bawat barangay official ay entitled sa accidental death compensation na P150,000, medical reimbursement na nagkakahalaga ng P15,000, at burial assistance na P10,000.
Madz Moratillo