7.7 percent economic growth ng Pilipinas sa last quarter ng 2021 , ipinagmalaki ng Malakanyang
Ibinida ng Malakanyang ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng taong 2021 sa gitna ng pananalasa ng pandemya ng COVID- 19 at bagyong Odette.
Sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA Director General Secretary Karl Chua na ang 7.7 economic growth ng bansa ay bunga ng recalibrated economic policy na ipinatutupad ng Duterte administration habang tumatawid ang bansa sa pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Chua nakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa ang ginawang pagbubukas ng mga negosyo sa last quarter ng taon mula sa lockdown noong third quarter dahil sa pagpasok ng Delta variant ng COVID -19.
Inihayag ni Chua sa pamamagitan ng tamang mga economic policy adjustment ay makakabangon ang kabuhayan ng bansa sa gitna ng pandemya ng COVID-19 hanggang sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30 ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac