7 Chinese na na-rescue ng PCG sa Eastern Samar, wanted sa China
Mga wanted pala sa China, ang 7 Chinese nationals na una ng nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG)sa Eastern Samar noong Enero na sakay ng isang fishing boat.
Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, ang 7 na sakay ng barkong MV Kai 899 ay may mga kinakaharap palang kaso sa kanilang bansa.
Nasa Tacloban City na aniya ang mga kinatawan ng Chinese Embassy at Bureau of Immigration (Bi) para mai-turn-over na ng PCG ang mga ito.
Dahil nahaharap sa mga kasong kriminal, ang pito ay ipapa-deport pabalik sa kanilang bansa.
Ayon kay Balilo, walang anumang dokumento na naipakita ang mga nasabing dayuhan kaya nakipag-ugnayan sila sa Chinese Embassy at doon nadiskubre na wanted pala ang mga ito.
Madelyn Villar – Moratillo