7 Lungsod sa National Capital Region may mga kaso ng United Kingdom at South African variant
Mayroong 7 Lungsod sa National Capital Region ang mayroon ng kaso ng mga Variant ng COVID- 19 mula sa United Kingdom at South Africa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, maliban rito may 11 city rin sa NCR ang may UK variant habang may 7 pa ang may South African variant.
Hindi naman pinangalanan ni Vergeire kung ano anong lungsod ang mga ito.
Ayon sa opisyal, sa kabuuan sa mga sample specimen na sinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center mula sa NCR ay nasa 5.5% ang nagpositibo sa South African variant hbang 3.5% naman sa UK variant.
Aminado naman si Vergeire na hindi sapat ang pagsunod lang sa minimum public health standards lalo na at sumisirit na naman ang mga kaso ng covid 19 sa bansa.
Sa ganitong pagkakataon ay mahalaga rin aniya ang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan para mapigilan ang transmission ng virus sa kani kanilang lugar.
Madz Moratillo