7 Milyon katao kada taon namamatay dahil sa maruming hangin- WHO

Pitong milyong tao sa iba’t- ibang panig ng mundo ang namamatay kada taon dahil sa paglanghap ng maruming hangin.

Resulta ito ng pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization o WHO sa lebel ng polusyon ng hangin sa labas at loob ng bahay o gusali.

Ayon sa WHO, isa sa bawat sampung tao o siyamnapung (90) porsyento ng populasyon ng mundo ang lumalanghap ng maruming hangin.

Lumabas pa sa pag-aaral ng WHO na bagamat banta sa lahat ng panig ng mundo ang polusyon mas malala ito at mas maraming namamatay dahil dito sa mga mahihirap na bansa sa Asya at Africa.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *